Huwebes, Setyembre 3, 2015

Korapsyon ng Pamahalaan: KAHIRAPAN ANG DULOT SA LIPUNAN



“Pare! Malapit na yung eleksyon sino bobotohin niyo? ” iyan ang karaniwang tanong ng mga mamamayan sa kasalukuyan, “pare may narinig ako doon sa kabilang kanto na may ipinagbibigay raw na pera si *** na isa sa mga tatakbong Presidente ng bansa, punta tayo doon pare! Makiisa tayo! Siya na lang yung botohin natin! BIG TIME ITO” wika ng isang taong natinag sa perang sa paningin niya ay hindi nanggaling sa kaban ng bayan kinuha. “OWRAYT PARE! ROCK & ROLL TO THE WORLD! TARA!”ito namang taong ito’y tila nabilog rin ang isipan ng kanyang kaibigan.. Isang karangalan po ang aking nadarama sapagkat  nabigyan ako ng oppurtunidad na magbahagi ng aking sariling pananaw tungkol sa mga napapanahong isyu dito sa ating lipunan. Napakahalata naman po sa nasabing mga pahayag na ang ipinapahiwatig ng mga linya ang pambibilog ng mga politiko sa mga mamamayang Pilipino na siyang gagamitin nila upang manalo at sa wakas ay maisakakatuparan nila ang kanilang mga masasamang plano. Ginagawa nilang mga kawawa at laruan yung mga Pilipino sa kanilang ginagawa sapagkat niloloko lang nila ang mamayan na matutulungan nila ang mga tao kung darating yung araw na mahahalili sila sa kanilang kinau-ukulan.
KORUPSYON, Maitututring ba itong sakit ng lipunan o distraksyon sa mga mamamayan? gaano na nga ba ito kalala? Ang korupsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.” Halos magkahulugan na nga ang dalawa. At hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”,pumapasok  at pumapasok pa rin ang salitang “korapsyon.” Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa indibidwal na tao. Ang bawat isa sa atin ay may “potency” o kakayahan para magkaroon ng korapsyon. Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema na ito.
Ang simpleng pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon, ang simpleng pagkuha ng office supplies, ang simpleng paglapastangan sa public property, ito ay maliit na form ng corruption. Puwede kang maniwala, puwedeng hindi.
Ano ang punto ko? Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon.


Sa likod ng KORAPSYON may KAHIRAPANG magaganap sa ating nasyon. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na antin kayang tustusan? Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay. Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kalian pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay? kaya hamon ko sa mga kabataan  gawin natin ang nararapat. huwag tularan ang mga bulakbong patakaran upang ating masugpuan ang korapsyon ng pamahaal na siyang magdudulot ng kahirapan sa ating lipunan. MABUHAY TAYONG MGA KABATAAN!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento